|
|
 |
gay village
Dec 16, 2009
malapit na pala mag2010...merry christmas...pero walang kinalaman ang title sa nakalagay dito...bale ewan...
Shit my memory is failing me now...wow...slowly disintegrating...haha...dman...i'm fucking dead now...i can't use my mind properly now...something's screwing with my power to reminisce and remember minuscule things...and my memorization is doomed...haha...thanks for my inability and inpetitude my life is now crumbling hastily than i could ever remembr than before...or perhaps my brain is fucking my senses again...damn...short term memory loss...here i go again, and my unbecoming is now creeping deeper into my sanity...damn....good night...and good luck...and im still stuggling here ok...now everything is screwing me up...even my own mind is clouding my discombobulated line of vision...and i know im wrong...ok...sorry...everything is screwy and blurry now...and i can't think of the right ways to compensate for the sliht dysfunction of my brain...and no my tongue has been indebted for too long now and can't create useless phrases to save my life...or my next conversation...and this will continue while i sink deeper and deeper into my own perosnal abyss...fettered gagged and tied...slowly fading and fading...like the memory that once salvaged my existence from irrelevance...like hte memory that's failing me now...like the eyes deteriorating and aging thorugh countless bouts of insominia...and a mind taht still can't try to make sense of it all... ayan bagsak na naman siguro ako bukas...haha
Posted at 11:50 pm by wretched_kid Permalink
Feb 18, 2009
isang pangako para sa araw na ito... higit kumulang kalahating taon makaraan ang huling update sa kawawang journal na ito
mababago ko ang aking tadhana kahit ano man ang humarang, may sibat man o pana na siyang tatama sa aking paa o sa aking tagiliran, may manirador man o may manumpit, hindi na ako uurong, wala na akong pag-asang umurong pa sa isang pagbabago aking hinahanap hanap, kahit wala akong ideya sa tutunguin kong landas, sa kapahamakan man o sa ikakabuti, ang alam ko nasayang ko na ang halos tatlong taon ko, hindi ko na mababawi ang nagpatong patong na kamalian, ang sunod sunod na kabiguan, ang kahirapang dinanas habang pinipilit kong unawain kung ano nga ba ang dapat kong malaman, iilang dunong ang aking inimpok, kahit hindi tugma, pinipilit kong ipagpilitan, ang ibang boses, pinakinggan ko, ang mas may lakas na boses, pinagbigyan ko, at kahit alam kong walang mangyayari, wari ko'y iisang nawaglit na oras ang nasayang ko, ang nawala dahil hindi ko alam ang tutunguhin ko, hindi lahat nang daan parepareho ang patutunguhan hindi lahat gusto mong puntahan, nililigtas ko ang sarili ko sa sarili kong kamalian, hindi ito kasalanan, pero heto ako, nilulubog nang bawat mabigat na katotohanan, wala akong nagawang tama, meron siguro, yung mga pinilit kong gawin, kahit hindi ko alam kung tama o mali, wala akong pinagsisisihan, sana matulungan pa rin ako sa aking nasadlakan, makapit ang putik, hindi ka man hilahin pababa, hindi ka naman papakibuin, at lulubog at lulubog ka pa rin sa iyong kinatatayuan, hindi man dahil sa burak, marahil dahil sa bigat nang hirap na iyong dinadanas, iilang panahon na lang ang naititra, mahuhuli na ako, kahit anong mangyari maiiwan na ako, pero hindi ito ang inaasam ko, nais ko lang makarating sa dulo, wala na akong pakielam kung mabilis o mabagal, ngunit sa bawat hampas nang balita tungkol sa ekonomiya, at sa bawat paalala niya, pananakot marahil, naiwang nagtatampo at naghihimutok ang aking imahinasyon, hindi ko na kaya, ayoko na sa numero, gagawin ko na ito, wala nang atrasan, ang mahalaga nama'y ako'y umuusad pa rin, kahit naligaw man, heto ako pipilitin na itama ang minsang mali, hindi maitatama nang pagbubuktot ang minsan kamalian, at sa huli mahahati rin ang dagat ang makakarating din ako sa kabila, at kung hindi man mahati, handa akong sumisid sa tubig, kahit na sa katotohana'y hindi ako marunong lumangoy...
Posted at 11:49 pm by wretched_kid Permalink
Jul 31, 2008
wala lang...
wala na kong magawa...
teka, meron bang pwedeng makausap dyan?...
haha...
seriously...
gusto ko lang nang may kausap...
hehe...
basta hindi tungkol sa academics...academics ko lang pala...
tungkol sa kung saan saan...
pwede rin tungkol sa mga artista...pop culture!...
o kaya tungkol sa mga pelikula ni jestoni alarcon...
may kailangan lng akong malaman...
di kasi ako madaldal eh...
pero gusto ko nang may kausap...
hindi lang lagi inner dialogues...
haha...
*hindi ako nagsulat nito....ako pala, wala lang sa tamang wisyo...
Posted at 06:28 pm by wretched_kid Permalink
Jul 9, 2008
kapanapanabik na pagsisimula.
nagpapatuloy
kahalintulad nang dati
nalimutan ang pagkakamali
at ika'y uulit
muli
Posted at 06:48 pm by wretched_kid Permalink
Nov 3, 2007
when the sun is up somewhere...
where i hung my (rain) coat...its where i left my head...
i should stay for a while i guess...
and listen to the melodies of the rhythmic drips occuring atop...
watch the sceneries of exquisiteness unfold...
enhanced with vibrant artistic blurs...
across the red curtains...
it's very cold... and i am certain, it's not just becuase of the temperature alone...
Posted at 12:07 am by wretched_kid Permalink
Oct 31, 2007
wlang kahihinatnan na daing mula sa walang kwentang bata...
hindi ko maipaliwanag, maaring kaya ko, ngunit di ko talaga maihayag kung ano ang pinaggagagawa ko nitong nagdaang mga segundo, nagdaang mga minuto, nagdaang mga oras, nagdaang mga araw, nagdaang mga linggo, nagdaang mga buwan, at nagdaang taon... di ko maipagkakamali na naging masaya ang nagdaang taon, ngunit lagi talaga itong may pasubali... di ko ito namalayan, at ngayon, ako'y tuluyan na nitong nilamon... kaya di ko na maintidihan ang mga pangyayari... isang taon din yun, nakita ko ang pagkakataon... ngunit pakiramdam ko kalokohan ang gawin yun... alam ko ang kalalabasan kung ginawa ko yun, pero alam ko rin ang kahihinatnan ko kung di ko ginawa yun, at heto na nga ang resulta... di ko lubos maisip na hahantong ito sa ganitong sitwasyon... masyado akong naunahan ng takot..bakit hinde?... sino ba naman ako para ipamukha ang sarili sa iba... isang hamak na walang kwentang estudyante lamang ako... ngunit salamat sa iyo, kahit papaano nalaman kong may kakaunting halaga rin pala ang buhay ko... hindi mo man ito sadya, slamat pa rin... at ako rin naman ang may sala kung bakit ako nagkakaganito ngayon... nabulag ako... at ito ang ayoko sa sarili ko, madali akong makaranas ng kakaibang pakiramdam...hanggang dito ba naman sa walang kwentang journal ayoko pa ring aminin... at sa dagliang kislap ako'y biglang napukaw... at unti-unting sumibol mula sa aking sinadlakan ang siyang kakaibang pakiramdam at ito'y nagdulot nang labis na kaligyahan... dito ako nagkamali akala ko yun lang ang dapat kong makita... yun pala unti unti rin ako nitong hinihila pababa... at ngayon wala na akong pagkakataon para magsalita... at ngayon lalo akong nagdurusa... may oras pa kaya?... may pagkakataon pa kaya?... gustong gusto ko nang magsalita...kung maari nga lamang na tenga mo lamang ang makarinig... di bale nang baliwalain mo ito... pero alam ko ako rin ang madidismaya... matagal na rin ito... at ako lang ang nakaaalam...di ko alam kung alam mo na rin... at alam ko namang hindi... salamat sa patuloy na pagpansin...hehe... yan lang talaga pakiramdam ko eh aking maatim... baka nga naman sa mga sumunod na sigundo, minuto, oras, araw,linggo, buwan, at taon eh bigla ko na itong maihayag... walang kasiguraduhan... hanggang sa muli paalam...
Posted at 01:26 am by wretched_kid Permalink
panghabol sa buwan ng oktubre...
this transparent
glass compartment..
is slowly filling up...
and the water is already 20 meters deep...
and the time i wasted...
is slowly choking me up...
i'm pulled beneath by the burdens i desperately keep...
drowned by the high hopes...
and failed expectations i thought i can exceed...
i am with the gravity...
i am running out of time...
out of breath...
and for a short time i'll be out of reach...
deep within...
words are meaningless...
and i'm screaming...
shouting the words my tongue could not convey...
hush...
hush...
and i hope you could read through the bubbles...
and witness my desperation...
before i slowly run out of breathe...
and be exiled in oblivion...
Posted at 12:57 am by wretched_kid Permalink
Sep 28, 2007
delirium triggered... leche...
this song has been around for quite awhile now... probably for 3 or 4 years... and i haven't listened to this song for almost a year now until last week i gave this shit another listen... and it was worth it... this coheed song is just a blast... haha...
Slowly the pen touches paper in the guidance of the words that you write. Memories roll in; of the things you once did and who you had shared them with is somebody thinking of you. Did I bother telling you this, with the words that cross teeth and jump lips? A poor choice of words, in wanting to tell you anything. But words don't come with ease. They're forever my hurt.
But you couldn't last a lifetime. Caught between here and the days of it; carving her name across your arm with every wish. It's hit or miss... her. I told you so. I measured distance in lines departing the rest of my life.
its been quite a while now... and i am failing/falling faster again... just like last year... damn!...
Posted at 08:38 pm by wretched_kid Permalink
Sep 16, 2007
bkit kung kailan na-reformat ang pc tsaka naman nawala yung ganun? nakakamiss tuloy, ampalaya na kung ampalaya, leche... wala na ba? tapos na ba? paano ako?
mahirap ngang mag-expect na may masasalubong ang mga mata mo habang tumatahak sa isang one-way na daan... dahil obviously, wala kang makikita...
Posted at 10:56 pm by wretched_kid Permalink
Sep 11, 2007
huwad na talinhaga: kathang isip ng walang magawa
minsan, di talaga maipaliwanag ng sarili kung paano at bakit nangyayari ang bagay-bagay, at minsan hindi mo na rin naman talaga kailangang ipaliwanag, minsan di mo na talaga ito maintindihan, at ang tangi mo na lang nagagawa ay tanggapin ito, labag man sayo o hindi. oo na, talo na naman ako, at wala na nga sigurong saysay kung patuloy ko pang kakalabanin ka, ikaw at ikaw rin ang magwawagi sa huli, kahit anong tanggi at iwas pa ang gawin ko.
di ko nga talaga kayang lokohin ka, sadya ngang mas malakas pa ang hawak mo sa buhay ko kesa sa sarili ko. sadya ngang mas makapangyarihan ka, na kahit minsan hindi ko gusto yung gagawin mo sa buhay ko, nagagawa mo pa rin. wala akong laban sa iyo. pero minsan din naman, natutuwa ako sa mga kalokohan mo, sa mga desisyon mo sa buhay ko, dahil minsan ikaw na lang talaga ang siyang may lakas-loob, at ikaw na lang talaga minsan ang may pakinabang ang desisyon. oo siguro nga sadyang napakahina ko talaga para mabuhay, at mabuti na lang andyan ka, pinagpapatuloy ang mga gawaing minsan di ko na talaga lubos maisip kung kakayanin ko pa.
at ngayon, ikaw na naman ang bida, sa mga panahong di ko na alam ang gagawin, ibabaling ko na sana kay batman ang susunod na mangyayari, pero ikaw ang sumalo sa mabilis na pagbagsak ng aking lakas-loob, at nagbigay liwanag sa aking kawalan ng pag-asa. di ko alam kung paano mo ito ginawa, pero kagabi, ikaw ang siyang tumulong sa akin. di ko alam kung anong kahahantungan ng ginawa mo, kung mabuti ba ang dulot o hindi, pero dahil nga naman wala nang nangyayari sa buhay ko, ay tatanggapin ko na ito. sa panahon ng kawalang pag-asa, sa panahon ng desperasyon, kahit anong mangyaring mabuti ay dapat nang tanggapin. kung walang kasiguraduhan ito, ayos lang, mas mainam na ito kaysa sa kawalan ng pag-asa. at ikaw ang may dulot ng lahat ng ito. salamat sa pagbibigay ng lakas, sa padalus-dalos na desisyon, at sa pagbibigay ng simpleng kislap sa gitna ng karimlan na aking pinagdaraanan.
di mo man ito malaman, isa ka rin sa tumulong sa akin, o marahil ang ala-ala mo sa akin, basta ikaw, dahil alam ko ikaw pa rin yung nasa ala-ala ko, ikaw pa rin yung isang taon nang nasa utak ko. ikaw pa rin yung labis na sumasagi sa aking pag-iisa, at ikaw pa rin ang dahilan kaya minsan iniisip ko na sana hindi ako tumanda muna ng isang taon, sana nasira ko lahat ng orasan nung araw na yun, para lamang tumigil ang takbo ng oras.
maraming salamat sa inyo, lubos na pasasalamat kung tutuusin, kung hindi man mangyari ang mga nais ko, wala na kong magagawa roon kung hindi tanggapin ang dapat na mangyari. di ko alam kung paano, pero, sadyang nabuhayan muli ako ng loob. hehehe..,
Posted at 04:28 pm by wretched_kid Permalink
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
Blogdrive's Tremor Improved
|